Patuloy na binabantayan ng National Irrigation Administration (NIA) ang Pantabangan Dam, sa Nueva Ecija at Magat Dam, sa Isabela dahil sa epektong dulot ng bagyong Karding.
Mismong si NIA administrator Benny Antiporda ang nanguna sa pagmonitor sa mga naturang dam sa NIA Central Office Command Center.
Bahagi ito ng Crisis management plan and quick action response ng ahensya lalo na sa panahon ng kalamidad.
Ito’y upang maiwasan ang maaaring pinsalang idulot ng bagyo sa mga naturang dam.