Isasara muna ng isang linggo ang pantalan ng Pioduran sa Albay patungong Masbate para sa non essential travels bilang pag iingat laban sa Delta variant ng Coronavirus.
Dahil dito, inihayag ni Masbate Governor Antonio Kho na huling biyahe na muna ng barko mula sa pantalan ng Pioduran, Albay patungo ng Masbate kahapon ng madaling araw kung saan sakay ang ilang truck at kargamento.
Nakasaad sa direktiba ni Kho na wala munang indibidwal na maaaring pumasok o lumabas sa lalawigan ng Masbate mula Agosto 12 hanggang 19 maliban na lamang sa apor na dapat kumpleto rin ng mga dokumento tulad ng valid ID, travel order at negative RTPCR result.
Agosto 11 nang payagang tumulak pa-Masbate ang huling batch ng locally stranded invididuals bagamat wala ring masakyang barko kahit pa gustuhin man ng apor na mag biyahe.
Napaulat naman ang patagong pag biyahe ng maliliit na bangka para magsundo ng mga tutungo sa Burias Island.