Nagbitiw bilang miyembro at opisyal ng PDP-Laban party si dating Speaker at Davao Del Norte Representative Pantaleon Alvarez.
Batay sa ipinalabas na pahayag ng tanggapan ni Alvarez, nagbitiw ang kongresista sa kinaaanibang partido para maipagpatuloy ang kanyang inilunsad na kampanya kaugnay ng kahalagahan ng pagboto sa 2022 elections.
Anito, maaaring mabigyan ng maling kahulugan ng mga kritiko o mabansagang pamumulitika ang pagsusulong ni Alvarez sa sinimulang adbokasiya kasabay ng maninilbihan nito bilang opisyal ng PDP-laban.
Kasunod naman ng pagbibitiw sa PDP-Laban, tinanggap ni alvarez ang alok ni dating Defense Secretary Renato De Villa na pamunuan at muling buhayin ang partidong “reporma”.
Paliwanag ng tanggapan ni Alvarez, sa pamamagitan ng Reporma party maipagpapatuloy ng mambabatas ang kanyang voter’s education campaign na hindi makatatanggap ng masamang reaksyon.
Ang Reporma party ay isang non-mainstream party na walang kaugnayan mula sa sinomang personalidad na maaaring tumakbo sa pagka-pangulo sa susunod na halalan