Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang panukalang gawing institutionalize ang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 7773 na layong mabawasan ang kahirapan sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 7773, inaatasan ang Department of Social Welfare and Development o DSWD na pumili ng kuwalipikadong pamilya na magiging benipisyaryo ng 4P’s na sasailalim naman sa revalidation kada tatlong taon.
Makatatanggap naman ang mga mapipiling pamilya ng P2,200 na cash o katumbas ng 26,400 pesos kada taon bilang panggastos sa kalusugan, nutrisyon at edukasyon.
Itatakda naman ng National Economic and Development Authority o NEDA ang gagamiting batayan ng DSWD sa pagpili ng benipisyaryong pamilya.
—-