Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng pantawid pasada at fuel discount programs para sa mga magsasaka at mangingisda sa gitna ng epekto ng gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Ayon kay acting spokesperson karlo nograles, ito ay ang P2.5B pantawid pasada at limang-daang milyong pisong fuel discount program.
Ang pantawid pasada ay programang nagbibigay ng subsidy card sa mga operators ng mga jeepney drivers para maka-avail ng libreng langis sa mga piling gasoline stations.
Tinawagang pansin din ng malakanyang ang kongreso na i-review ang oil deregulation law kasunod ng taas-presyo sa langis. – sa panulat ni Abigail Malanday