Isinusulong ng Department of Finance o DOF ang bagong Pantawid Pasada Program para matulungan ang mga mahirap na tsuper ng public utility vehicles o PUV na maaapektuhan ng tax reform bill partikular ang dagdag buwis sa mga produktong petrolyo.
Dahil dito, inilatag ng DOF ang planong pagbibigay ng P2,200 na cash card kada buwan para matulungan ang mga kuwalipikadong driver ng PUV.
Sa ilalim ng panibagong cash card, hindi na kailangang magtaas ng pasahe ang mga PUV driver kahit sumirit pa ang presyo ng langis.
Samantala, nasa ikatlo at huling pagbasa na sa Kongreso ang unang tax reform bill at umaasa ang kagawaran na maipasa ito bago matapos ang taon.
ByDrew Nacino
Bagong pantawid pasada program isinusulong was last modified: July 6th, 2017 by DWIZ 882