Isinusulong ng Department of Finance (DOF) ang pagbuhay sa ‘Pantawid Pasada Program’ sa mga pampublikong sasakyan.
Ito’y upang maibsan ang epekto ng panukalang pagpapataw na mas mataas na excise tax sa mga produktong petrolyo na isinusulong din sa Kamara.
Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman at Quezon Representative Dakila Carlo Cua, malaking tulong ang pagbibigay ng subsidy sa mga public utility vehicles lalo’t lubhang makapagdudulot ng pasakit sa mga pumapasadang tsuper ang dagdag buwis sa petrolyo.
Maliban sa subsidy sa produktong petrolyo, isinusulong din ng DOF ang pagbibigay subsidy sa pasahe at pagtulong sa mga jeepney operators at drivers na palitan ng euro 4 ang kanilang mga makina.
By Jaymark Dagala