“Walang siguradong bagay pagdating sa hustisya at paggawad ng hustisya sa huwes”
Ito ang binanggit ni Senator Francis Escudero matapos tanungin kung posible rin bang mapawalang sala si dating senator Leila de Lima sa ikalawang kaso mula sa tatlong kaso na inihain ng nagdaang administrasyon Duterte.
Kasunod ito ng naging desisyon ng muntinlupa RTC 204 nitong Biyernes.
Binigyang diin naman ni Sen. Escudero na dapat pantay at walang kinikilingan ang korte pagdating sa mga desisyon.
Dagdag pa ng senador, hindi dapat mapressure ang korte na madaliin ang kanilang desisyon kaugnay sa ikatlong kaso ng dating senadora.