Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa lahat ng pantay na access ng mga serbisyo para sa mga taong may Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosaro Vergeire, kailangang pagtulungan, hindi lamang ang pagpapatupad ng mga istratehiya ang dapat tutukan kundi maging pagtiyak na hindi magkakaroon ng diskriminasyon sa mga taong may HIV pagdating sa access sa HIV services.
Hinimok din ng kagawaran ang publiko na ugaliin ang safe sex at regular na pagpapacheck-up laban sa HIV at iba pang sexually transmitted infections.
Batay sa datos ng Joint United Nations Programme on HIV/AID (UNAIDS) noong 2021, nasa 38.4 million Filipino ang mayroong HIV. – sa panulat ni Hannah Oledan