Iminungkahi ng isang mambabatas na gawing pantay ang taripa sa palm oil para sa animal feed at palm oil para sa human consumption upang maiwasan ang iligal na pagpupuslit ng mga mantika.
Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, base sa datos ng Department of Agriculture (DA), dapat na zero o walang buwis ang palm oil para sa pagkain ng hayop habang 15% naman ang taripa ng palm oil para sa konsumo ng mga tao.
Matatandaang tinatayang aabot sa P300 billion ang halaga ng mga mantikang ilegal na naipapasok sa Pilipinas mula sa ibang mga bansa.
Sa ngayon, ang mga low-grade na palm oil ay mananatiling mas mura upang mahikayat din ang livestock sector na gumamit ng coconut oil na makatutulong sa mga coconut farmer sa buong bansa.