Inihirit ni Filipino Nurses United President Maristela Abenojar, na magkaroon ng pantay na halaga sa special risk allowance (SRA) at active hazard duty pay ang lahat ng health workers sa pampubliko at pribadong ospital sa bansa.
Ito ay kasabay ng pagtalakay ng Committee on Health sa limang panukalang batas ngayong araw na siyang naglalayong bigyan ng kaukulang benepisyo ang mga health workers sa Pilipinas.
Matatandaang inihihirit ng mga health workers ang P15,000 SRA at P5,000 active hazard duty pay na taliwas sa memorandum ng DOH na nagsasabing tanging public health workers lamang na nangangalaga sa COVID-19 patient ang makatatanggap hazard pay, subsistence and laundry allowance. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Airiam Sancho