Ipinagmalaki ng Presidential Commission for the Urban Poor o PCUP na nakakatanggap ng patas at pantay na pagtrato sa gobyerno ang mga pamilyang maralitang tagalungsod.
Ginawa ni PCUP chairperson Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang pahayag matapos mapaulat na kumikiling ito sa mga “professional squatters” na umano’y ilegal na umookupa sa isang private property sa Tanay, Rizal.
Itinanggi ni Jordan na binibigyan nila ng special treatment ang mga informal settlers.
Tiniyak din ng opisyal na “in good faith” ang ginagawa nilang pagtulong sa mga mahihirap na pamilya.