Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pantay na pamamahagi sa pambansang pondo.
Sinabi ng pangulo na hindi niya titingnan ang political affiliation ng isang lokal na opisyal lalo na kung ang usapin ay infrastructure spending.
Dapat aniyang lumapit ang local officials kay Acting Budget Secretary Wendel Avisado kapag nangailangan ng pondo para sa isang proyekto.
Ipinabatid ng pangulo na nakabuhos ang pondo sa mga imprastruktura sa Luzon at Visayas.
Ayon sa pangulo, ihuhuli na lamang niya ang Mindanao para hindi mabahiran ng kulay pulitika.