Pantay-pantay ang makukuha ng kuwalipikadong beneficiary sa implementasyon ng Extended Electricity Lifeline Rates Subsidy.
Tiniyak ito ni Energy Assistant Secretary Mario Marasigan kaugnay sa nilagdaang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11552.
Ayon kay Marasigan, ang IRR ay nagbibigay daan sa mga nasa marginalized sector na patuloy na makatanggap ng government subsidies sa singil sa kuryente sa loob ng 30 taon pagkatapos ng unang 20 years sa orihinal na republic act.
Bukod sa DOE, kabilang sa mga lumagda sa IRR ang Energy Regulatory Commission at DSWD.