Inilatag na para sa Plenary Debates ng Senate Subcommittee on Finance and Committee on Health ang panukala kaugnay sa pag-iisyu ng COVID-19 vaccine at health passport.
Batay sa Senate Bill 2422, pinakikilos ang Local Government Units na mag-isyu ng libreng vaccine at health passport kung saan nakasaad ang basic personal information ng binakunahan kontra COVID-19.
Nakalagay din sa card ang brand ng bakuna, kailan at saan ibinakuna, sino ang nagbakuna at ang petsa at resulta ng mga rt-pcr test.
Pangangasiwaan ng DOH ang central database kung saan mabe-verify ang authenticity ng vaccine passport na magagamit sa non-essential domestic travel, local checkpoints, quarantine exemptions o mas maikling quarantine time, business establishments at international travel na kailangang lakarin ng bureau of quarantine at department of foreign affairs.
Sinabi ni senador Pia Cayetano, sponsor ng panukala na hindi naman bago ang pag-iisyu ng vaccine passport na mayruon na sa canada, china, united arab emirates at sa mga bansa sa european union at nagagamit sa pagpasok sa mga museum, teatro, gym, cultural sites at mga kainan.—sa ulat ni Cely Bueno (Partol 19)