Aprubado na ng House Committee Local Government ang panukala na magtatayo ng Negros Island Region (NIR).
Isasama sa panukalang nir ang mga probinsya ng Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Bacolod City at lahat ng siyudad, munisipalidad at barangay na nakapaloob sa mga ito.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Juliet Marie Ferrer, isa sa mga may-akda, layunin ng panukala na mapaganda ang serbisyo na naibibigay sa mga residente ng mga nabanggit na probinsya.