Suportado ni Senador Panfilo Lacson ang panukala ng PNP o Philippine National Police na patulungin ang mga mayroong lisensyadong may-ari ng baril sa paglaban sa terorismo.
Ayon kay Lacson, mabuting may maging pakinabang ang pamahalaan sa ibinibigay na pribelehiyo sa mga gun owner na makapag – bitbit ng armas.
Binigyang diin pa ni Lacson na hindi lamang ang PNP ang siyang may responsibilidad sa paglaban ng terorismo kundi maging ang lahat ng mga Pilipino.
Una nang sinabi ni PNP Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na maaring tumulong ang mga pribadong indibidwal na may lisensyadong baril laban sa terorismo habang wala pa ang mga pulis at sundalo.