Tutol kapwa sina Congressmen Robert Barbers at Ruffy Biazon sa kahilingan ng Volunteers of Against Crime and Corruption o VACC na armasan ang mga sibilyan ngayong inalis na sa Philippine National Police o PNP ang kampanya sa ‘war on drugs’.
Ayon kay Barbers, Chair ng House Committee on Dangerous Drugs, lalong hindi magiging mapayapa ang bansa at lalala lamang ang krimen kapag pinayagang mag-armas ang mga sibilyan.
Sinabi naman ni Biazon, Vice Chair ng House Committee on National Defense and Security, na walang mahigpit na dahilan para gawin ang nasabing hakbang.
Maaari lamang aniyang magdulot ng gun culture ang isinusulong ng VACC dahil kahit sino ay puwede nang mag may-ari ng baril at mahihirapan ang mga otoridad na masuwata ito kapag nauwi na sa pang-aabuso.
Binigyang – diin nina Biazon at Barbers na hindi maaapektuhan ang trabaho ng PNP na bantayan ang krimen sa bansa ngayong inilipat na sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pangunguna sa kampanya kontra iligal na droga.