Hati naman ang mga Senador sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na humiwalay ang Senado bilang Conass o Constituent Assembly at idaan sa ordinaryong batas ang pag-aamiyenda sa saligang batas.
Ayon kay Senate Majority Leader Tito Sotto, mas pabor aniya sa taumbayan at sa Kongreso ang pagtatatag ng Conass o Constituent Assembly dahil mas mura ito at mas praktikal kumpara sa Constitutional Convention.
Hindi rin aniya nakasisiguro na mga neutral persons ang maihahalal sakaling Con-Con ang siyang piliin ng mga mambabatas.
Pabor din sa Con-Ass si Senador Richard Gordon pero nais niyang himaying maigi ng dahan-dahan ang mga aamiyendahang batas ng paisa-isa.
Para naman kay Senador Antonio Trillanes, bagama’t pabor din sa Con-Ass, dapat din aniyang matiyak na hindi makokontrol ng Malakaniyang ang pag-aamiyenda sa saligang batas .