Labis na ikinalungkot ni Senador Richard Gordon ang pagkakapaslang sa mamamahayag na si Michael Marasigan na matagal niyang naging kaibigan.
kasunod nito, nanawagan si gordon sa Kamara na agad ipasa ang kanilang bersyon ng Motorcycle Crime Prevention Act of 2017 upang ganap na itong maisumite sa Malakaniyang.
Kasunod nito, sinabi ni Gordon na mas lumakas pa ang mga panawagan para maipatupad ang ini-akda niyang batas na nag-uutos sa paglalagay ng mas malaking plaka o plate number sa mga motorsiklo.
Ito’y dahil sa hindi aniya agad natukoy ng mga imbestigador ang motorcycle rider na bumaril kay Marasigan gayundin sa kapatid nitong si Christopher na nabiktima ng riding in tandem suspek sa harap mismo ng kanilang tahanan sa san Juan City nuong Huwebes.