Nakatakdang ilabas ng Department of Agriculture (DA) ang mga bagong panuntunan sa Fisheries Administrative Order No.195 na nagbabawal sa salmon at pampano sa mga palengke sa unang kwarter ng 2023.
Ito ang inihayag ni DA, Deputy Spokesperson Rex Estoperez kung saan ilalabas sa susunod na taon ang revised na fao9 no.195.
Layunin nito na matulungan ang sektor ng mga mangingisda at agrikultura sa bansa.
Siniguro naman ng ahensya na pag-aaralan nila ng mabuti ang nasabing administrative order katuwang nila ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).