Muling binuhay sa Kamara ang panukalang pagkalooban ng 14th month pay ang mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor.
Batay sa house bill no. 61988, makatatanggap ang mga empleyado ng 13th month pay ng hindi lalagpas sa ika-31 ng Mayo habang ang 14th month pay naman ay matatanggap hanggang ika-15 ng Nobyembre.
Sa oras na maging batas, inaasahang malaki ang maitutulong sa mga Pilipinong manggagawa bilang pandagdag sa araw-araw na gastusin.