Isusumite na mamayang hapon ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ang P3 trillion proposed national budget para sa 2016.
Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte, ihahatid ni Budget Secretary Butch Abad at ng kanyang team, ang proposed budget at sila ay sasalubungin naman niya at ni House Committee on Appropriations Chairman Isidro Ungab.
Susundan naman ito ng isang maliit na seremonya.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)