Nasa tanggapan na ng kongreso ang P3.002 trillion proposed 2016 national budget.
Mismong si Budget Secretary Florencio Butch Abad ang nagsumite ng kopya ng pambansang pondo sa liderato sa pangunguna ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., House Majority Leader Neptali Gonzales II at Appropriations Chairman Isidro Ungab.
Nanguna pa rin sa pinaglaanan ng pinakamalaking pondo ang Department of Education na may P435.9 bilyon, sinundan ng Department of Public Works and Highways na may P394.5 bilyon alokasyon.
Pumangatlo naman ang Department of National Defense na may P172.7 bilyon.
Pang-apat ang Department of Interior and Local Government (P154.5 billion), pang-lima ang Department of Health (P128.4 billion), pang anim ang DSWD (p104.2 billion), pang-pito ang Department of Agriculture na may P93.4 bilyon alokasyon.
Sumunod naman ang Department of Finance na may P55.3 bilyon alokasyon, sinundan ng DOTC na may P49.3 bilyon, nasa P25.8 bilyon naman ang inilaan sa Department of Environment and Natural Resources habang P18.6 bilyon naman sa Department of Science and Technology.
Kinaltasan naman ng 17 percent ang pondo ng Department of Transportation and Communications sa 2016, kumpara sa P59.4 bilyong alokasyon para sa taong kasalukuyan.
By Meann Tanbio | Jill Resontoc (Patrol 7)