Lusot na sa third and final reading sa senado ang 2016 national budget na umaabot sa mahigit P3 trilyong piso.
Labing-apat na senador ang pumabor sa panukala na kinabibilangan nina Senate President Franklin Drilon, Senators Loren Legarda, Ralph Recto, Grace Poe, Francis Escudero, Sergio Osmeña, Pia Cayetano, JV Ejercito, Teofisto “TG” Guingona III, Antonio Trillanes IV, Bam Aquino, Nancy Binay, Vicente “Tito” Sotto III, at Minority Leader Juan Ponce Enrile.
Habang tumutol naman si Senador Koko Pimentel.
Nauna nang inihayag ni Senate President Franklin Drilon na matapos ang bicameral conference committee sa national budget sa Disyembre 4 at mararatipikahan ang bicam report sa pagitan ng December 7 hanggang 11.
Ayon kay Drilon, inaasahang maisusumite kay Pangulong Noynoy Aquino ang bicam report sa December 14 at mabigyan ng sampung araw na rebyuhin ang budget at mai-veto ng Pangulo ang mga line item na gusto nito.
Bicam
Binuo na ang magiging miyembro ng bicam panel na siyang haharap sa bicameral conference committee hearing.
Ito ay para mai-reconcile ang mga disagreeing provisions sa naaprubahang bersyon ng 2016 national budget sa senado at kamara.
Sa panig ng senado, bahagi ng bicam panel sina Senate Committee on Finance Chairman Loren Legarda kasama sina Senador Sonny Angara, Bam Aquino, Serge Osmeña, Cynthia Villar at TG Guingona at si Senador Ralph Recto sa panig ng majority.
Habang sina Senador Juan Ponce Enrile at Tito Sotto ang kakatawan sa minority.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)