Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang P3.35 trilyong piso na panukalang pondo ng Duterte administration para sa taong 2017.
Sa botohan na naganap na idinaan sa viva voce, nanaig ang botong yes Dahilan upang maipasa sa second reading ang House Bill 3408 o ang 2017 general Appropriations Bill.
Iminungkahi naman ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na bumuo na ng komite na tatanggap ng mga imumungkahing amyenda ng mga kongresista hinggil sa naturang panukalang pondo upang maipasa ito kaagad.
Samantala, umabot sa 40.1 percent ng panukalang budget para sa susunod na taon ang inilaan para sa edukasyon, kalusugan at social services.
Kabilang sa inilaang P700 billion pesos na pondo para sa edukasyon ang implementation pa rin ng K-12 program, pagtayo ng karagdagang 37,000 classrooms at hiring ng 53,000 na bagong guro.
Mahigit P152 billion pesos naman ang inilaan para sa health care kung saan P7 billion pesos dito ay para sa hiring naman ng mga bagong guro, nurses, midwives at dentists.
Samantala, wala namang nabago sa alokasyon para sa Conditional Cash Transfer Program ng gobyerno sa mga mahihirap.
Habang nanatili pa rin naman sa P78.7 billion pesos ang inilaang pondo na alokasyon sa nasabing programa kasama na ang P23 billion pesos sa rice allowance.
Malaking bahagi naman mula sa alokasyon na P206.6 billion pesos sa public order and safety ang inilaan para sa kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga at kriminalidad sa bansa.
By Mariboy Ysibido