Hawak na ng Kongreso ang panukalang mahigit sa 3.7 trilyong pisong budget para sa 2019.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, ipinadala nila ang kopya ng 2019 National Expenditure Program sa Senado at Kamara kasabay ng State of the Nation Address o SONA ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang panukalang budget sa susunod na taon ay mas maliit lamang ng konti kumpara sa 3.767 trillion pesos na national budget para ngayong taon.
Pinakamalaking bahagi o mahigit sa 659 bilyong piso ang inilaan ng pamahalaan para sa sektor ng edukasyon.
Sinundan ito ng Department of Public Works and Highways o DPWH na may mahigit sa 555 bilyong piso o mas mataas ng mahigit sa 68 percent kumpara sa kasalukuyang budget na 225.5 billion pesos.
Tumaas ng mula lima (5) hanggang walumpu’t syam (89) na porsyento ang inilaang budget para sa bawat ahensya ng pamahalaan.
Pinakamalaki ang iniakyat ng Department of Transportation o DOTr na tumaas ng 89.3 percent o mula sa kasalukuyang 35.9 billion ay magiging 76.1 billion pesos sa susunod na taon.
—-