Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bicameral conference committee ang pagpasa sa panukalang P4.1-T national budget para sa susunod na taon.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Pangulong Duterte na kanya na ring hinihintay ang kopya ng proposed national budget.
Ayon sa Pangulo, umaasa siyang malalagdaan niya na ang panukalang budget ngayong Disyembre.
Kasabay nito, nagbabala si Pangulong Duterte sa posibilidad na maapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas kung magkakaroon muli ng gusot ang mataas at mababang kapulungan ng kongreso sa usapin ng national budget.
Magugunitang noong Miyerkules, inaprubahan na ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang proposed 2020 national budget.