Pinagtibay na ng bicameral conference committee ng senado at kongreso ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Mababatid na malaki ang maitutulong ng pambansang pondo para ginagawang pagtugon ng pamahalaan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nauna rito, sinabi ni House Appropriations Chair Eric Yap, na sa bersyon ng bicam, kasama ang alokasyon para may ipambili ng mga bakuna; pagpapabuti ng mga health facilities sa bansa, maging ang pondo para sa ipamimigay na ayuda sa mga mahihirap.
Bukod pa rito, naglaan din ng pondo para sa mga lugar na pinadapa ng nagdaang mga bagyo.
Kasunod nito, inaasahan nang raratipikahan ng dalawang kapulungan bago ito ibigay sa punong ehekutibo. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)