Hihilingin ng Kamara sa Malakanyang na i-certify bilang urgent ang panukalang 2022 National Budget.
Ito ayon kay House Appropriations Committee Chair Eric Yap ay para maipasa na ang panukalang 2022 National Budget sa third and final reading.
Ipinabatid ni Yap na sisimulan na ng Kamara sa susunod na linggo ang plenary deliberations ng panukalang 2022 budget kung saan ikokonsider ang mga amyenda rito.