Ini-sponsoran na sa Plenaryo ng Senado ang Committee report kaungay sa P5.268-T 2023 proposed National Budget na nakapaloob sa General Appropriations Bill (GAB).
Si Senate Committee on Finance Chairman Senator Sonny Angara ang nag-sponsor sa Committee report kung saan apat anyang P o 4Ps ang humuhulma sa budget ng bansa sa susunod na taon, ang Populasyon, Presyo, Projects at Payroll.
Tatlong P’s naman ang tinitingnan ni Angara na maaaring makapagpabago sa takbo ng ekonomiya sa susunod na taon, ang Pandemya, Putin at Paeng.
Ayon kay Angara, P1.597-T ay Automatic Appropriations habang ang P4.259-T ay binubuo ng P3.671-T na bagong Programmed Appropriations at P588-B Unprogrammed Appropriations.
Bagaman ito ang unang budget ng bagong administrasyon, popondohan pa rin ng 2023 GAB ang malalaking programa at proyekto ng nakaraang gobyerno.
Kabilang na rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program; Universal Access to Quality Tertiary Education at Tulong Trabaho Fund; Build, Build, Build Infrastructure Program, na tatawaging “Build Better More.”
Ang Senate Finance Committee Report sa 2023 GAB ay alinsunod sa 8-point Socioeconomic Agenda na nakasaad sa medium term fiscal framework ng administrasyon.
Prayoridad ng Marcos Administration ang food security, partikular ang Department of Agriculture at attached agencies nito. —ulat mula kay Cely Ortega Bueno (Patrol 19)