Nakatakda nang lagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang 5.2 trillion peso 2023 proposed national budget sa sandaling makauwi na ito mula sa Brussels, Belgium.
Ito rin ang kinumpirma ni House Speaker Martin Romualdez sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag sa sidelines ng European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Summit sa Brussels.
Ngayong araw naman nakatakdang magbalik-bansa si Pangulong Marcos Jr.
Batay anya sa abiso sa kanila ng economic managers ay agarang ide-deploy simula sa unang bahagi ng taong 2023 ang nasabing pondo na pinaka-malaki sa kasaysayan ng bansa.
Magugunitang niratipikahan ng senado at kamara ang 2023 general appropriations bill at lagda na lamang ng pangulo ang kailangang upang ganap itong maisabatas.