Ikinababahala ng isang grupo ng mga consumers ang mungkahi ng Department of Energy o DOE na ibaba sa 25 degrees Celsius ang temperatura ng mga aircon sa mga shopping malls.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni Ginoong Perfecto Jaime Tagalog, Secretary General ng Coalition of Filipino Consumers, hindi makabubuti sa publiko ang panukala ng DOE dahil sa sobrang init ng panahon.
Dahil dito, iminungkahi ng grupo ang pagkakaroon na lang ng rotation of hours sa paggamit ng air conditioning units.
Iginiit ni Tagalog na hindi uubra ang paglilimita sa 25 degrees Celsius sa aircon units para labanan ang maalinsangan na panahon.
Bahagi ng pahayag ni Perfecto Tagalog, Secretary General ng Coalition of Filipino Consumers
Kinuwestyon din ni Tagalog ang ginawang paghahanda ng Department of Energy sa pagpasok ng El Niño, lalo na at maaga naman nagbabala hinggil dito ang PAGASA.
Bahagi ng pahayag ni Perfecto Tagalog, Secretary General ng Coalition of Filipino Consumers
Shopping malls, gov’t offices
Una rito ay hinimok ng Department of Energy (DOE) ang mga shopping mall at mga tanggapan ng gobyerno na ipako sa 25 degrees Celsius temperature ng mga air condition unit.
Ayon kay DOE Secretary Zenaida Monsada, ito ay upang makatipid sa kuryente lalo’t sunod- sunod na ang pagnipis ng suplay ng kuryente.
Handa naman ang Robinsons Mall at iba pang mall na sumunod sa naturang kautusan ng Energy Department bagama’t may hirit na kung maari ay weekdays na lamang ito ipatupad kung kailan mas konti ang tao.
May ilan paraan naman ipinatutupad ang mga mall sa Metro Manila para makatipid sa kuryente tulad ng paglalagay ng solar panel ng ilang SM mall, paggamit ng renewable energy ng Robinsons Mall at mga LED lights at sensor run na mga escalator sa mga Ayala Malls.
By Rianne Briones | Katrina Valle | Jelbert Perdez | Ratsada Balita