Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi maaapektuhan ang sahod ng mga empleyado sakaling maisabatas ang panukalang Four-Day Work Week.
Sa ilalim ng House Bill 5068 o Four-Day Work Week, mananatiling nasa walumput walong (88) oras ang oras sa trabaho ng isang empleyado nguynit ito ay idi-distribute lamang sa apat na araw mula sa dating limang araw o anim na araw na pasok.
Layon ng panukala na maibsan ang nararanasang bigat sa daloy ng trapiko at bigyan ng mas maraming oras ang empleyado na makapagpahinga at makatipid ng pera.
By Ralph Obina