Inanunsyo ng Department of Budget and Management (DBM) kanina na plantsado na ang panukalang 5.268 trillion pesos na national budget para sa 2023.
Mababatid na ito nakatakdang isumite sa kamara sa susunod na linggo ang unang full-year budget plan ng Administrasyong Marcos Jr.
Nauna nang ilahad ng DBM na kabilang sa budget priorities ng administrasyon ang edukasyon, kalusugan, social safety nets, imprastraktura at agrikultura.
Samantala ang pagsusumite sa 2023 budget sa kamara ay alinsunod sa timeline na nakasaad sa 1987 constitution na kinakailangan itong isumite 30 araw mula sa pagbubukas ng regular session ng kamara.