Itinutulak ni Senator Cynthia Villar na mabigyan ng limang libong pisong ‘one-time cash grant’ ang mga bagong graduate sa kolehiyo, unibersidad, vocational at training institution.
Batay sa inihaing Senate Bill 2186, layunin ng naturang panukalang batas na pagkalooban ang mga fresh graduate upang may magamit ang mga ito sa paghahanap at pagsisimula ng trabaho.
Kung saan sakaling maisasabatas kailangan lamang magpasa ng mga bagong graduate ng kopya ng kanilang diploma, certification document mula sa academic, vocational o technical institution kung saan sila nagtapos na may lagda ng kinatawan ng institusyon.