Inendorso na ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairman Cynthia Villar, ang panukalang 5 taong extension ng Agricultural Enhacement Competitive Fund o ACEF.
Sinabi ni Villar na sa bersyon ng Senado, lilimitahan na lang sa P5 milyong piso, ang puwedeng utangin ng magsasaka, mangingisda o ng kanilang kooperatiba.
Kailangan na din aniyang patawan ng sampung porsyentong equity ang benepisyaryo ng pautang para matiyak na hindi maulit ang natuklasan sa pagdinig na marami ang nangutang subalit hindi naman nakasingil mula sa mga ito.
Ang ACEF ay ang programa ng pautang para sa mga mangingisda at magsasaka para magsilbing proteksyon ng mga ito laban sa smuggling at dumping.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)