Umuusad sa kongreso ang panukalang AFP modernization
Ayon ito kay Congressman Ruffy Biazon matapos bumagsak ang isang C-130 plane na ikinasawi ng 50 sundalo at tatlong sibilyan sa Patikul, Sulu.
Ipinabatid sa DWIZ ni Biazon na pina-plantsa nila ang procurement process base na rin sa kahilingan ng militar para mabilis na makabili ng mga makabagong gamit ang AFP.
May mga ano sila yung tinatawag na horizon, targets nila yung AFP iyon naman ay on-time noong prinisent nila sa kongreso ang AFP modernization plan nila, they are on-time dahil ang appropriations na nilalabas ng government nandoon ang support, although isa sa mga sa mga hinihiniling nila na kung maaaring mabago iyong procurement process kasi kung minsan iyon ang nakapagpapatagal at nababawasan din ang options nila , considering na specialized procurement ito ang isang request nila magkaroon ng specialized procurement process and law instead of just using , yung general procurement law natin na applicable for everyone, so isa lang iyon sa hinihiniling nila sa Kongreso na kung maaari ay mabago para mas mapabilis pa, ″ pahayag ni Congressman Biazon.
Binigyang diin pa ni Biazon na tatlong aspeto ang pinagbabatayan sa mga aksidenteng sangkot ang military aircraft tulad nang nangyari sa Sulu.
Kabilang dito aniya ang kondisyon ng sasakyan, lagay ng panahon at maging ang operator.
Sa kaso nang naaksidenteng C-130 plane, sinabi ni Biazon na ang nasabing military aircraft ay maituturing na all weather aircraft.
Tatlong aspeto iyan ng possible options ng isang accident isa is weather condition, another is equipment conditions, kasama ang maintenance , third ay yung operator yung training ng tao. Siguro kailangan madetermine kung ano ang factors doon na nag-contribute… very reliable yan na aircraft design talaga para sa ganoong operations, ″ ani ni Biazon