Kinondena ni dating Senador Antonio Trillanes ang panukalang amyendahan ang Human Security Act laban sa terorismo.
Aniya, kung aamyendahan ang naturang batas dapat ay sa ilalim ng isang administrasyon na ang layunin ay protektahan ang mamamayang nasasakupan nito.
Hindi rin daw makatutulong sa pagsugpo ng terorismo ang pinaplanong pag amyenda dahil kahit ang mga simpleng kaso ng riding-in-tandem ay hindi maresolba.
Payo ni Trillanes, pinaka epektibong paraan ay ang maayos na paggamit ng pondo ng bayan at pagtutulungan ng mga mamayan at gobyerno.