Suportado ng Globe ang mga panukalang anti-money mule at financial fraud na kapwa nakabinbin pa sa kongreso.
Ayon kay Ernest Cu, Globe Group President at CEO, mas patatalasin pa ng mga naturang panukala ang ngipin laban sa scammers dahil madadamay sa krimen ang taong ginamit ang pangalan sa iligal na aktibidad.
Kasunod na rin ito ng raid sa isang offshore gaming firm, kung saan nadiskubre ang mahigit 20,000 sims mula sa iba’t ibang telcos at naiparehistro sa maraming digital platforms sa kabila nang hindi pa nabubuksan patunay ng isang sophisticated scam operation na mga inosenteng biktima ang target.
Tiniyak ni Atty. Froilan Castelo, General Counsel ng Globe ang pagiging vigilant ng security team nito na nakatutok din sa mahigpit na monitoring at coordination sa mga kinauukulan para pigilan ang banta ng cyber scams, ma-detect ang scam sa network nito at magbigay ng suporta para makalaboso at mapanagot ang mga suspek.
Muling siniguro ng Globe ang commitment nitong matiyak ang ligtas na digital environment para sa kanilang subscribers sa gitna na rin nang patuloy na pagkakasa ng proactive masures at iba pang hakbangin katuwang ang mga otoridad para labanan ang mga sangkot sa criminal activities.