Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa senado ang panukalang anti-red tape emergency powers.
Sa botong 23 pabor, walang tumutol at nag-abstain naaprubahan ang senate bill number 1844.
Layon ng panukalang bigyan si Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na kapangyarihan para lubos na masawata ang red tape sa gobyerno.
Sa ilalim nito, kapag may national emergency gaya ngayong may health emergency dahil sa COVID-19 pandemic, may kapangyarihan ang Pangulo na pabilisin ang pag-iisyu ng mga ahensya ng gobyerno ng mga permit, lisensya at sertipikasyon.
Maari ring ipag-utos ng Pangulo na suspendihin o kaya ay i-waive ang mga requirements para sa pagkuha ng mga permit at lisensya.
Bibigyan din nito ng kapangyarihan ang Pangulo para sibakin o suspendihin ang opisyal o kawani ng gobyerno na hindi susunod sa pagputol ng red tape.
Magugunitang sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang nasabing panukala.