Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang panukalang nagdedeklara sa Araw ng mga Kasambahay.
Sa botong 225, pumasa ang House Bill 6285 na naglalayong gawing special non-working holiday ang January 18 para sa lahat ng kasambahay matapos maging ganap na batas ang Kasambahay Law o Republic Act 10361 noong January 18, 2013.
Batay sa panukala, kung matatapat ng weekend ang January 18 ay gagawing holiday sa pinakamalapit na araw ng Biyernes para sa petsa.
—-