Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III na babaan ang optional retirement age para sa mga empleyado ng gobyerno.
Kasunod ito ng pagsusulong ng Ako Bicol Partylist na gawing 56 anyos ang optional retirement age ng mga government employees mula sa 60 anyos.
Ayon kay Bello, dala ng edad ang karanasan at expertise ng isang tao kaya kahit magka-edad pa ito ay magiging kapaki-pakinabang pa rin sa gobyerno.
Halimbawa na lamang anya ay ang ilang gabinete ng Duterte Administration tulad education Secretary Leonor Briones, DOST Secretary Fortunato Dela Peña, Transportation Secretary Artur Tugade at iba pa.
‘Yung experience, ‘yung expertise ng ating mga senior citizen, sabi ko nga, kung maari nga, dapat gawing retirement age ay 75 hindi 65, in America ‘yung mga Supreme Court justices walang retirement age ‘yan, hangga’t gusto nila, hangga’t kaya nila, naglilingkod sila bilang justices of Supreme Court in America,” ani Bello. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.