Aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang consolidated bill para sa panukalang bagong passport law.
Papalitan ng House Bill 8513 o New Philippine Passport Act ang Republic Act 9239 o Philippine passport act of 1996.
Nakasaad sa panukala ang pag-iisyu ng passport gamit ang pinaka-latest na tamper proof data management technology.
Gagawin ding simple sa consolidated bill ang mga passport documentation requirement ng department of foreign affairs office of consular affairs base na rin sa mga umiiral na panuntunang itinakda ng international civil aviation organization.
Inaatasan din ng panukala ang DFA na bumuo ng panibagong sistema na magpapahintulot sa senior citizens na i-renew ang kanilang passport kahit walang personal appearance sa pamamagitan ng teknolohiya.