Allergic umano ang taumbayan sa mga usaping pulitikal pagdating sa pag-amyenda sa konstitusyon.
Ito ang inihayag ni incoming Senate President Juan Miguel Zubiri makaraang igiit na hindi muna dapat pag-usapan ang Charter Change o Cha-Cha dahil kabago-bago pa lang ng administrasyon.
Ayon kay Zubiri, sobrang kontrobersyal ng issue ng Cha-Cha lalo na ang pagbago sa term limits ng mga elected officials kaya hindi nila ito magiging prayoridad sa unang taon ng 19th Congress.
Mas dapat anya nilang tutukan ang mga usapin o mga panukalang makatutulong sa pagpapasigla ng ekonomiya at paano muling ma-i-aangat o mapapahusay ang pamumuhay ng publiko.
Sinabi naman ni Senator Win Gatchalian na ang dapat bigyang prayoridad sa ngayon ng Kongreso ang pa-protekta sa ekonomiya at bansa mula sa malaking pagkakautang.
Hindi anya ang pagbabago sa political division sa konstitusyon ang inaatupag sa halip ay dapat maglatag ng mga solusyon kontra inflation, walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis at may nagbabadyang food crisis.