Isinusulong sa Senado ang isang resolusyong naglalayong payagan nang maka-byaheng muli ang mga motorcycle taxi.
Ayon kay Senate Pres. Pro Tempore Ralph Recto, sinusuportahan ng resolusyong ito ang pagpapatuloy ng pilot study ng mga motorcycle taxi para makabalik operasyon na lalo’t limitado ngayon ang pampublikong transportasyon dahil sa COVID-19 pandemic.
Ani Recto mahalagang makasabay ang sektor ng transportasyon sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya ng bansa at pagbabalik operasyon ng mga negosyo upang hindi magkaroon ng transportation crisis.
Dahil kulang aniya ang transportasyon 60% ng mga manggagawa sa Metro Manila ang hindi pa nakakabalik ng kanilang trabaho.