Lusot na sa Senado ang panukalang batas na nagtatakda sa total ban sa lahat ng paraan ng hazing sa fraternity sorority o anumang samahan at eskwelahan.
Nakakuha ng 19 na boto, walang kontra at abstention ang Senate Bill No. 1662 na aamiyenda sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law.
Nakasaad sa panukalang inakda ni Senador Panfilo Lacson na ipinagbabawal ang lahat ng uri ng ginagawa sa hazing na tumutukoy sa pagpapahirap sa pisikal, sikolohikal o anumang pananakit o masamang trato sa recruit, miyembro, neophyte o aplikante sa isang samahan.
Sakop din ng panukalang batas ang mga samahan o asosayon sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Military Academy at iba pang uniformed service learning institutions.
Kapag tuluyang naisabatas, ang mga masasangkot sa hazing ay makukulong ng reclusion temporal at pagbabayarin ng Isang Milyong Piso bilang multa.
Posted by: Robert Eugenio