Lusot na sa House committee on basic education and culture ang panukalang batas na bubuhay sa Reserved Officers Training Corps. (ROTC).
Sakaling maging batas, aamiyendahan ng panukala ang Republic Act 7077 o ang Citizens Armed Force o ang AFP reservist act kung saan pinababalik ang military training sa ilalim ng ROTC sa lahat ng mga grade 11 at grade 12 students sa pampubliko at pampribadong paaralan sa buong bansa.
Layon ng nasabing panukala na isulong ang patriotism at nationalism bukod sa hikayatin ang mga kabataan sa public at civic affairs.
Nakasaad sa panukala na bukod sa basic military training, ituturo sa mga grade 11 at grade 12 students ang citizenship kung saan matututunan ng mga ito ang public service at pag aaralan ang trabaho ng AFP, PNP, BJMP at coastguard gayundin ang trabaho ng DOH at DSWD na nasa frontline nang pagbibigay ng social services.
Makakatulong din panukala para makapag handa ang mga estudyante sakaling nais na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Philippine Military Academy, PNP Academy at Philippine Public Safety College.