Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang isang panukala sa House of Representatives na layong protektahan ang mental well-being ng mga naka-enroll na estudyante sa State Universities and Colleges (SUCS).
Aprubado na ng Kamara ang panukalang SUCS Mental Health Service Act o House Bill 0284 sa second reading ng plenary session noong nakaraang linggo.
Sinabi ni CHR Spokesperson Jacqueline Ann De Guia, na umaasa ang komisyon na mabilisang maisabatas ang panukalang batas na lubhang makatutulong sa mga mag-aaral ng Higher Education Institutions (HEIS) na kumakaharap sa “pressures” dulot ng pandemya.
Dagdag pa ni De Guia, makatutulong ang House Bill 0284 sa paghahanda ng faculty members at nonteaching personnel sa paglikha ng safe spaces. —sa panulat ni Joana Luna