Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng kamara ang House Bill 7445 na layuning ihanda ng pamahalaan ang mga magreretirong government employee sa Pagnenegosyo.
Sa botong 237-0 ay inaprubahan sa plenaryo ang panukala na layong tulungan ang mga empleyado ng gobyerno sa iba pang economic opportunities tulad ng entrepreneurship sa oras na matapos ang kanilang serbisyo sa gobyerno.
Layunin din ng bill na pangunahing ini-akda ni An-Waray Partylist Rep. Victoria Isabel Noel na magtuluy-tuloy ang innovative at development-oriented government programs at projects para sa pagnenegosyo.
Binibigyang mandato ng panukala ang mga tanggapan at ahensya ng gobyerno na maghanda at magpatupad ng post-service sa government service entrepreneurship development program para sa mga empleyado ng pamahalaan alinsunod sa guidelines ng civil service commission.